Buod ng Banaag at Sikat
ni Lope K. Santos
Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa
mga adhikain at paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si
Felipe ay anak ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil
sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa
kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay
tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang
palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay.
Samantala, siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa
Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang
pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay
nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa
kanyang pagiging anarkista.
Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.
Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.
Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.
Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.
Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.
Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Sa amuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.
Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.
Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil sa kagagawan ni Meni.
Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan. Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.
Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.
Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.
Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan ng kuro-kuro at paniniwala.
Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamang

umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon.
Kailangang lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa
kundi sa buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan
nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang
paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na
ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay
kakaunti kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan.
Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging
daan ng pagdanak ng dugo.
Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi."
Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan nati’t palipasin ang diin ng gabi."
Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:
(Nagmamadali)
Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning.
(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:
(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:
(May kahinaan din ang ulo).
Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:
(Lalong lalakas ang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:
(Mainit ang ulo)
Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…
(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.
Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)
O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…
(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan!
(Ibababa ang tinali.)
Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:
(Balisa)
Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor:
(Tatawa)
Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:
(Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:
(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.
(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:
(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:
(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:
(Hindi maintindihan)
ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…
(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…
(Papasok si Teban)
Teban:
(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo
awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.)
1. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
2. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi— at ang Quiapo.
3. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
4. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad.
5. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad sa kanyang katawan.
6. “Mama…Ale, palimos na po.”
7. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas.
8. “Singko po lamang, Ale…hindi pa po ako nanananghali!”
9. Kung may pumapansin man sa panawagan ng Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
10. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinapahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas.
11. “May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
12. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sa kanyang bituka.
13. “Maawa na po kayo, Mama…Ale…gutom na gutom na ako!”
14. Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan.
15. Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan.
16. “Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig
17. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpatindig sa kanyang balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao—malamig walang awa, walang pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
18. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.
19. “Adong…ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
20. Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol.
21. “Diyan na kayo, Aling Ebeng…sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.
22. “Ano? Naloloko ka ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!”
23. Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dabitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos sa paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, na kabangisang sa mula’t mula pa’y nakilala niya at kinasuklaman. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing.
24. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.
25. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa kabangisan.
26. “Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong.
27. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.

Maliit lamang
sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang
araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno
na ang bakuran ng bahay-pamahalaan. Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan,
nagtutulakan, bawat isa'y naghahangan makalapit sa istaked. "Totoo ba,
Tata Selo?" "Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya."
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May
nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may
inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at
paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng
natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang
kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao.
"Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo," umiiling na wika ng kanyang
kahangga, "talagang hindi ko ho mapaniwalaan." Hinaplus-haplos ni
tata Selo ang ga-daliri at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang
harapan, di kalayuan sa istaked, ipinagtitilakan ng mga pulis ang mga taong
ibig makakita sa kanya. Mainit ang Sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang
humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nagsasalisod na
alikabok. "Bakit niya babawiin ang saka?" tanong ng Tata Selo.
"Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari
ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba't kaya maraming nagagalit sa akin ay
dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?" Hndi
pa rin umalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas.
Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan. Hindi mo na
sana tinaga ang Kabesa," anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo
sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng
maraming tao sa istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay, at
nakapamaywang habang naninigarilyo. "Binabawi po niya ang aking
saka," sumbong ni Tata Selo. "Saan pa po ako pupunta kung wala na
akong saka?" Kumumpas ang binatang mayaman. "Hindi katwiran iyan para
tagain mo ang Kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin,
mapapaalis ka niya anumang oras." Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa
rehas. "Ako po'y hindi ninyo nauunawaan," nakatingala at nagpipilit
ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinapakan
pagkatapos. "alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla
lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng Kabesa.
Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya nga po ako hindi nagbibigay ng
kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masasaka
man lamang po.nakikiusap po ako sa Kabesa kangina. 'kung maaari po sana,
'Besa'', wika ko po, 'kung maaari po sana, huwag naman po ninyo akong paalisin.
Kaya ko pa pong magsaka, 'Besa. Totoo pong ako'y matanda na, ngunit ako pa
nama'y malakas pa.' Ngunit…Ay! Tinungkod po niya ako nang tinungkod, Tingnan
po n'yong putok sa aking noo, tingnan po 'nyo." Dumukot ng sigarilyo ang
binata. Nagsindi ito at pagkaraa'y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang
pulis. "Pa'no po ba'ng nangyari, Tata Selo?" Sa pagkakahawak sa
rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na
nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid,
anak-magbubukid na naniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot
ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit
itong lilik. "Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang," paliwanag ni
Tata Selo. "Doon ba sa may sangka. Pinaalis ako sa aking saka, ang wika'y
iba na raw ang magsasaka. Nang makiusap ako'y tinungkod ako. Ay! Tinungkod ako,
amang, nakikiusap ako sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako
pupunta?" "Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo." Gumapang
ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
"Patay po ba?" Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa
rehas. Napadukmo siya sa balikat. "Pa'no po niyan si Saling?" muling
tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong anak ni Tata Selo na ulila
na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata
Selo. "Pa'no po niyan si Saling?" Lalong humigpit ang pagkakahawak ni
Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse
na nang dumating ito, kasama ang hepe ng pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa.
Abut-abot ang busina ng dyip na kinasaksakyan ng dalawang upang mahawi ang
hanggang noo'y di pa nag-aalisang tao. Tumigil ang dyip sa di-kalayuan sa
istaked. "Patay po ba? Saan po ang taga?" Naggitgitan at nagsiksikan
ang mga pinagpawisang tao. Itinaas ng may-katabaang alkalde ang dalawang kamay
upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking lalaking hepe. "Saan
po tinamaan?" "Sa bibig." Ipinasok ng alkalde ang kanang palad
sa bibig, hinugot iyon at mariing ihinagod hanggang sa kanang punog tainga.
"Lagas ang ngipin." Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan,
naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng batuta ang mga pulis. Ipinasya ng alkalde
na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang
pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked. "Mabibilanggo ka niyan, Tata
Selo," anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa
silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong
niya iyon sa nasasalaminang mesa.
"Pa'no nga ba'ng nangyari?" kunot at galit na tanong ng alkalde. Matagal bago nakasagot si Tata Selo. "Binawi po niya ang aking saka, Presidente," wika ni Tata Selo. "Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin, po, Naisangla lamang po at naembargo-" "Alam ko na iyan," kumukupas at umiiling na putol ng nabubugnot na alkalde. Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw nang luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. "Ako po naman, Presidente, ay malakas pa," wika ni Tata Selo. "Kaya ko pa pong magsaka. Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po." "Saan mo tinaga ang Kabesa?" Matagal bago nakasagot si Tata Selo. "Nasa may sangka po ako nang dumating ang Kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas na pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po'y talagang malakas pa, kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at nang ako po'y lumapit, sinabi niyang makakaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka. 'Bakit po naman, 'Besa?' tanong ko po. Ang wika'y umalis na lang daw po ako. 'Bakit po naman, 'Besa?' Tanong ko po uli, 'malakas pa po naman ako, a' Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako po'y… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod nang tinungkod." "Tinaga mo na no'n," anag nakamatyag na hepe. Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin-may mga eskribante pang nakapasok doon-ay nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa. "Ang iyong anak, na kina Kabesa raw?" usisa ng alkalde. Hindi sumagot si Tata Selo. "Tinatanong ka anang hepe." Lumunok si Tata Selo. "Umuwi na po si Saling, Presidente." "Kailan?" "Kamakalawa po ng umaga." "Di ba't kinakatulong siya ro'n?" "Tatlong buwan na po." "Bakit siya umuwi?" Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko siya. "May sakit po siya." Nang sumapit ang alas-dose-inihudyat iyon ng sunod-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo-ay umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis. "Napatay mo pala ang kabesa," anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na Nakayuko at di pa natitinag sa upuan. "Binabawi po niya ang aking saka." Katwiran ni Tata Selo. Sinapo ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangudngod si Tata Selo. "Tinungkod po niya ako ng tinungkod," nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo. Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa uniporment kaki ng hepe. "Tinungkod po niya ako ng tinungkod… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod ng tinungkod…"

Sa may pinto ng
tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis. "Si Kabesa kasi ang
nagrekomenda kay Tsip, e," sinabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit
na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe. Mapula ang
sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo nagkalat ang papel na
naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating
ng buwang iyo'y dapat nang nag-uuulan. Kung may humihihip na hangin, may
mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas. "Dadalhin ka siguro
sa kabesera, Selo," anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa
matandang nasa loob ng istaked. "Don ka suguro ikukulong." Wala ni
papag sa loob ng istaked at sa maruming sementadong lapag nakasalampak si Tata
Selo. Sa paligid niya'y natutuyong tamak-tamak na tubig. Naka-unat ang kanyang
maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay.
Nakakiling, naka-sandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng
istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi na gagalaw ang sartin ng maiitim na
kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon. "Habang-buhay siguro ang
ibibigay sa iyo," patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa
istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde. "Patayin na rin ninyo ako,
Presidente." Paos at bahagya nang narinig si Tata Selo. Napatay ko po ang
Kabesa. Patayin na rin ninyo po ako." Takot humipo sa maalikabok na rehas
ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya ng mga palad
at tiningnan niya kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo,
nakita niyang lalo nang nakiling ito. May mga tao namang dumarating sa
munisipyo. Kakaunti lang iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran
ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong
langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay taga-Poblacion.
Hanggang noon, bawat isa'y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang
balitang ililibing kinahapunan ang Kabesa. Nagtataka at hindi makapaniwalang
nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na
itatanghal. Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong
alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit
itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Nalaman ng alkalde na
dumating si Saling at ito'y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di-nagtagal at si
Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos
buhatan siyang dalawang pulis. Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit
na nagkaroon ng lakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng
mesa ng presidente. Nagyakap ang mag-ama pagkakita. "Hindi ka na sana
naparito Saling," wika ni Tata Selo na napaluhod. "May sakit ka,
Saling, may sakit ka!" Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang
ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong
suot pa nang nagdaang araw. Matigas ang kanyang namumulang mukha.
Pinalipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga
nakatinging pulis. "Umuwi ka na, Saling" hiling ni Tata Selo.
"Bayaan mo na…bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag, huwag ka nang
magsasabi…" Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng
alkalde sa istaked. Pagkabalik niya sa istaked, pinanood na naman siya ng mga
tao. "Kinabog kagabi," wika ng isang magbubukid. "Binalutan ng
basang sako, hindi ng halata." "Ang anak, dumating daw?"
"Naki-mayor." Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si
Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya'y maiupo. Ngunit nang
marinig niyang muling ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na
ginapang niya ang rehas. Mahigpit na humawak doon at habang nakadapa'y ilang
sandali ring iyo'y tila huhutukin. Tinawag siya ng mga pulis ngunit paos siya
at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang
kanyang mukha sa sementadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig
na may tila gumigising sa kanya. "Tata Selo…Tata Selo…" Umangat
ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha niyang mata ang tumatawag sa
kanya. Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon. Hinawakan ng bata ang kamay ni
Tata Selo na umabot sa kanya. "Nando'n amang si Saling sa
Presidente," wika ni Tata Selo. "Yayain mo nang umuwi, umuwi na
kayo." Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata'y saglit na
nag-paulik-ulik, pagkaraa'y takot at bantulot nang sumunod… Mag-iikaapat na
ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May
kapiraso nang lihin sa istaked, sa may dingding na steel matting, ngunit si
Tata Selo'y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng
istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang
nag-aaninaw na mata'y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked,
nakasandig sa rehas ang batang Inutusan niya kanina. Sinabi ng bata na ayaw
siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakinggan ni Tata
Selo, na ngayo'y hindi pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas
at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat,
ay! Ang lahat ay kinuha na sa kanila.
SINAG SA KARIMLAN
(Dula)
ni Dionisio S. Salazar
(Maraming sanhi ang isinasama ng isang tao. Kung
minsa’y dala ng kapaligiran o impluwensiya ng barkada. Sa ating dula,
tuklasin kung bakit naligaw ng landas si Tony. Paano siya muling
nakabalik sa matuwid?)
MGA TAUHAN :
Tony ……………….. Binatang bilanggo
Luis ……………….. Ang kanyang ama
Erman ………………..)
Doming …………….. ) Mga kapwa bilanggo
Bok ………………. )
Padre Abena …………Isang pari ng bilibid
Miss Reyes …………. Isang Nars
Isang Tanod
PANAHON: Kasalukuyan
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang
Bilangguan sa Muntinlupa.
ORAS : Umaga
PROLOGO : Pambansang Bilangguan sa
Muntinlupa: Wakas at Simula …
Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya …
Salaming pambudhi … Palihan ng puso’t diwa… Waterloo ng kasamaan… Hamon sa
pagbabagong buhay …
May mga maikling gayung dapat hubdan ng
mascara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang
mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga walang malay na
dahil sa kasaliwaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay
dito humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at
Katarungan…
Marami nang lubha ang mga pang pumasok at
lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng
kanyang tatak…
May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay
kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan…
PAGBUBUKAS ng tabing ay
mabubungad ang isang bahagi ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa
Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa makabilang
gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na
taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang
Erman (45) at si Doming (30). May munting durungawang nahahadlangan ng mga
rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog na
si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig
. May black eye rin siya. Si Bok ang bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay
nakakulubong – may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang
naooperahan ng almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast
naman ang isang paa ni Doming … Paminsan minsa’y maririnig ang malakas ng
paghilik ni Bok .
Doming: (Bibiling sa higaan, iiangat ang
ulo, at tatanungin si Bok) tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.
Ernan: (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming: Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a
Mang Ernan? Traga malas hang. BABAYING . Ba, sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.)
Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok
‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-dugun siya.
Doming: OXO seguro ‘yan. O kaya
Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata
pa.
Ernan: At may hitsura, ang sabihin
mo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.)
Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa
si Mang Ernan.)
Bok: (Biglang mag-aalis ng kulubong;
pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa….
Ernan: Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan.
Doming: Hisi lang, Tsokaran.
Bok: Tuluyan nang babangon: matapos
mag-inat at maghikab ay susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking
sugat n’ya.(Titingnan ni Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga atmapapahalinghing
si Tony.)
Doming: Kilala mo siya, Bok?
Bok: (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo
gigis-
Doming : Ba, ‘wag!, Makikitang kikilos si
Tony.) O, ayan, gising na.
Tony: (Matapos huminga ng paimpit na waring
ayaw ipahalata ang
nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo…
Ernan: Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng -
?
Tony: (Mauupo; mahahalatang
nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng pangalan ko. Tekayo! Kayo si Ginoong
Ernani Alba, di ho ba?
Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda.
Hanga ako senyo!
Ernan: Salamat, Tony.
Bok: (May pagmamaki) ako gid,
de-hin mo kilala? Di wan en only Bok –
alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang.
Marai padrino. Yeba!… (Mangingiti ng makhulugan ang lahat.)
Tony: Haharapin si Doming; malumanay)
Kayo?
Doming: Doming hang palayaw ko. Walang
h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? …
Bahala na? … Pawang iling ang itutugon ni Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming
Batsi Gang, ha?
Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga
gang, sa mga barkada. Dahil sa barkada’y – heto, magdadalawang taon na ‘ko
dito sa Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba
Toning kahit pahapyaw ay ibidamo sa ‘min ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony)
Holdi’t,Tony boy! … Ba’t nagalaslas angimong tiyan, ber? At… teribol yang
blakay mo. Yawa.
Doming: (Mapapansin ang pangagasim ng mukha
ni Tony) Makakaya mo ba, Tony?
Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo)
Pumuga sina Silver Boy kagabi. Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti
kanyo’t nailagan ko’ng saksak ditto (sabay turo sa kaliwang dibdib),
kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni
Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy!
Ernan: Sa narinig kong usapan ng nars
at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y
nahuli. (Sa sarili) A, kalayaan, sa ngalan mo’y kay dumaming
humahamak sa kamatayan ! Kay Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y …
‘tay kung masakit ‘yan ay saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito
… (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e
nag-iba na’ng takbo ng … Naisipkong walang ibubungang
mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking
pagbabago … Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran …. Me
parusa sa bawat kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka,
Tony!
Bok: (Ngingiti – ngiti habang
nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himignagmamagaling) No dais, Tony,
kun sila malalaki naganakaw milyun – milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta
mi lagay. Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok: (Tatawa habang sumasagot; pauyam)
Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa.
Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel, yawa.
Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap
tungkol sa relihiyun.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang
paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. Paris ng iba’t ibang ismo,
kaya … di dapat pagtalunan.
Tony: Pero, Mang Erman, ba’t tayo matatakot
magtalo? Kung walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang
pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisa’y pirming
nag-aaway.
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y
dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang
pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba,
may kakaibang tilamsik ang iyong diwa.
Tony: Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming: Kasi nga naman hasa mo habugado ka
kung magsalita.
Bok: Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni
Tony!
Tony: Iimbithin kita , Bok, isang araw, sa
klase naming nila Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At
pakikinabangan. Tiyak.
Bok: No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony: (Matapos makinang handa na ang lahat
sa pakikinig sa kanya) Buweno…Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa
Tundo. Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At
mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod
ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. Sang araw e nadiskubre ni
Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-aaway
sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang
elementarya. Balediktoryan ako…
Bok: (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka.
Yeba!
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si
Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya…
Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat …
Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong akong mandurukot , mang – agaw,
magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat ako ditto
pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten’ya ko… A, ang tatay ko
ang may sala ng lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting
library. Nagpagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng –
Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y
nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay “Nakalilikha ng
tunay na lalaki Ang pagbabasa…”
Tony: Mahilig din ho akong magsulat.
Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari
sa Tatay mo?
Tony: Mula ng umalis siya’y di na namin
nakita. O nabalitaan kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama
‘yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong
gagawin mo?
Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin
nakita. O nabalitaan kaya.Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan.
Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin
mo?
Tony: Ayoko na siyang makita pa!
Bok: Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…?
Tony: Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak
ng aming tahanan. Siya’ng dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng
pagkamatay ng akingkapatid… Ng aking pagkakaganito!
Ernan: Kung sabagay ay madaling sabihing
“lumimot at magpatawad.” Subalit may kahirapan itong isagawa. Gayunmay’y
walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay
nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak.
Tony: Malaki ang inyong puso, Mang Ernan!
Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng
iyong tingin. Pambihira kayo.
Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang
ang pinakamabigat kong kasawian ay ang di-pagkakaroon ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan: Hindi, buhay ang aking asawa.
Mabait siya. Maunawain. Mapagpahal. Mapagkatiwalaan. Pero ang mag-asawang
walang anak (Magbubuntunghininga) … napaka … hindi ganap ang kanilang
kaligayahan.
Doming: Hilang taon na kayo, Mang
Herman?
Ernan: K’warenta’y singko na.
Bok: Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na,
gaaanak pa (Maikling tawanan.)
Tony : Ga’no na kayo katagal ditto, tabi ?
…
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa
pa. Alam n’yoy kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang
yung multa. – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‘ko sa
pagkakabilanggo.
Tony : E bat naman kayo namultahan?
Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan.
Isang araw ay Sinunog ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat
na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela,
komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman… Nahabla kami.
At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyo’y inibig ko pang pabilanggo.
Malayo naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng
pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong
mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may mataas na uri … Ituturing
kitang parang tunay na anak … Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay…
Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin.
Tony: Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si
Padre Abena. Pag – aaralin din daw ako. Pero… nakakahiya na atang pumasok
sa klase. Baka tawanan.
Ernan: Ang karunungan, iho, ay walang
kinikilalang edad. Ang totoo’y walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng
tao.
Tony: Ganyan din ho ang sabi ni Padre
Abena, Mang Ernan.
Ernan: Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan,
kapangyarihan. Walang marunong nag-nagkakaanak ng alipin.
Tony: Wala rin kuwenta ang masyadong
marunong. Paris ni Rizal, binaril –
Ernan: Iba ang kanyang panahon, iho.
Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo
ng ating kasaysayan … Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong
matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman sa salapi’t karangalan. Hindi
mapagsamantalan Yaong walang colonial mentality.
Bok: Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun?
Ernan : Diwang alipin, Bok.
Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan. Wal- (Kagyat
na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay!… (Habang
dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.)
Bok: (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso
pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo. Yawa. (Tawanan) Pano ngani? … Mi
trangkaso … Lumpo (Titingnan si Doming) … Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan)
. . . Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony. Tawanan na naman.)
Tony: Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo
naospital?
Ernan: Hindi naman.
Doming: Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa
bang makata?
Ernan: Isinisilang sila, Doming …. Maalala
ko nga pala! Di ba’t ikaw Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan
ang Presidente?
Tony: Ako nga ho.
Ernan Ang binigkas mong tula’y –
Tony Pilipinas, ke gandang tula. Alam
kong kayo’ng gumawa niyon.
Ernan Ibig kong malaman mo na ang tulang
iyo’y kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling tula… kabilang na roon
ang mga sinulat ko rito.
Doming Hanong pamagat?
Ernan Sinag Sa Karimlan.
Tony Sinag sa Karimlan? Wow, gandang
pamagat! Bagay ba bagay sa saaa … atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang
sinag. Ang liwanag!
Ernan Walang taong hindi nalalambungan
ng dilim. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali… naitataboy ang dilim!
Tony Sana’y mabasa ko ‘yon!…
Ernan Bibigyan kita ng sipi. At marami pang
iba. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali … naitataboy ang dilim!
Tony Sana’y mabasa ko ‘yon! …
Ernan Bibigyan kita ng sipi. At marami pang
iba, kung…
Bok (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag
pangkaisipan na ang pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa) Ber, ber,
Doming! Gin istorya mo naman pare…. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming,
bilang pag-ayon sa pahiwatig ni BOK)
Doming Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang
aking komisyon. Sang haraw, buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa
bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina hako
nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’tmatalik na kebigan hay…
Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin … Binaril ko’ng traydor
nang tumalon sa bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding
pagkatapos).
Tony At nabilanggo ka dahil doon? Bakit
ganon?
Doming Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming
…. Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y
para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na
naa… padrino, sabi nga ni Bok.
Bok (May pananabik) Ber, ang imong waswas ?
Seksi?
Doming Para sa haki’y siyang pinakamaganda
sa ‘ming bayan. Kinuha s’yang mag-hartista. Marami kong naging karibal sa
kanya!
Tony “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam
na ang paglililo’y nasa kagandahan .” Sino nga, Mang Erman, ang nagsabi niyon?
Ernan Si Balagtas, iho, ang “Sisme ng
Panginay”
Doming Hang sama, ng loob ko’y ‘yung
pinakamatalik ko pang ko pang kebiganhang… (Haharapin si Tony.) Binata ka pa,
Tony, hano? … Ikaw, Bok, binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa
masyadongnapakaganda.
Bok A, p’wee sa akon gano. Todas lahi
sila lahat pag ako ginaliko, hm…
Ernan Kaya nga salungat ako sa sinabi ni
Keats na “A thing of beauty is a joy forever.” Dahil sa
kagandaha’y daming tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming
pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! …. Kung totoong
nagbibigayng inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito.
Pumapatay!
Bok Asan ngayon ang imong misis Dom?
Tony Magsasama kayo uli? Paglabas mo?
Doming Indi na. Hisinusumpa ko!
Bok Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga?
Doming Wala. “Yung panganay namin ay
namatay sa eltor.
Ernan Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap
silang harapin. Lalo na ngayong namamayani ang diwa ng materyalismo. Ng
pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang maraming Diogenes!
(Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa kanyang naririnig,
mahihiga na siya’t magbabalot ng kumot.)
Tony Pa’nu hu makikilala ang tapat na
kebigan?
Ernan Maraming paraan diyan. Subalit ang
pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. Nang pangangailangan. Nang
pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat na kaibigan. Lagi siyang handang
magbigay. Magpakasakit.
Tony Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? …
Ba’t nga kaya napakaramingmapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis-linisan
. At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil me inaasahang tubo o
gatimpala. May –
Ernan ‘ – nagmamalukong ay kubaw; may
nagmamatulis ay pulpol.”
Tony Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero
saan ba’y ibig lang maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan.
Ernan Kaya nga kaibigan natin ang moral
regeneration o pagbabagong - buhay.
Doming Napapansin kong alos pare-ong
pare-o hang takbo ng hisip mo, Tony , ke Mang Ernan.
Tony P’wera bola, Doming! Malayong –
(Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni Padre Abena ) Aba si
Padre Abena ! Magandang umaga po Padre.
P. Abena Magandang umaga sa inyong lahat.
(Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid.
Mag-aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang tinig. Nakasutana
siya. At nakasalamin Habang lumapit ) Tony, totoo bang? … may sugat ka sa tiyan
! .. sa braso! May blak-ay ka!
Bok (Maliksing babangon) kondi
magapatay-patayan ‘yan, Padre tay-pa na .
Tony Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre. Ganon
nga ‘ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga tigasin.
P. Abena Laking pagsisi ngayon ng mga
nabigong mapupusok.
Tony Sadyang walang unang sisi, Padre,
E-e-e- … pa’no po ngayon , Padre maaabsen ako sa ‘ting klase?
P. Abena Ow, huwag mong intindihin yun,
anak. Ikaw naman ang pinakamarunong sa lahat, a… Natutuwa ako’t hindi ka
naganyak sumama kagabi.
Tony Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong
pagtitiwala sa ‘kin! Gayundin ang ke Direktor.
P. Abena Salamat, anak. Huwag kang
makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay
tinatangkilik.
Tony Padre, ke bui-buti n’yo ! …
Siyanga pala, si Mang Ernan’y ibig ding … Wala raw silang anak.
Ernan (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni
Tony. Gayunma’y kung may usapan na kayo’y … Padre, kami ng maybahay ko’y labing
limang taong umasa, nagnobena, namintakasi upang mag-kaanak, subalit …. Aywan
ko ba kung bakit agad akong nagkaamor kay Tony.
P. Abena Talagang isa sa marami ang batang
iyan . Masunurin siya. Matulungin. Mapagkakatiwalaan. At matalino. Balak ko
sanang pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. Natutuwa ako’t
kayo’y –
Tony Padre, possible po bang magkaroon ng
dalawang ama-amahan?
P. Abena Bakit hindi ? Mabuti nga’ng
gayon at maraming titingin sa ‘yo. Pagdating naamn ng araw ay…
kagustuhan din ng tatay mo ang mangyayari.
Tony (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob,
Padre Sinabi ko na seyong wala ‘na akong Tatay!
P. Abena Ikaw ang masusunod, anak. Alam
kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng
karimlang … A, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo,Tony?
Tony Sabi ng doctor e di naman daw
napinsala ang aking bituka.
P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag
kang masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging ito’y
aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital
. Matatahimik ang lahat at makikinig sa na) “Tubig! Tubigg! Mamamatay na ‘ko sa
uhaw! Tubiggg!
P. Abena Diyan nga muna kayo at titingnan
ko lang kung sino ang nagpapagibik na ‘yon. (Susundan ito ng alis .)
Lahat Adyos, Padre.
Tony ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at
nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya … Matutupad din ang pangarap kong
makapag-aral … kung sakali…
Ernan Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y
paris niya ang lahat ng alagad ng panananampalataya … Pero, tingnan mo,
Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi ko siya makakapiling sa lahat ng
oros, samantalang ako … Tuturuan kita ng pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati.
Pag – aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan naming mag-asawa ang
tagapagmana.
Tony Paumanhin ho, Mang Ernan… Bukod sa
makata, ano ho ba’n –
Ernan A, ako’y peryodista. Propesor din ako
sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib sa ilang samahamng pangwika, pangbayan,
pangkultura … May malaki akong aklatan – magugusthan mo …. Guro naman sa
piyano ang aking maybahay. Magkakasundo kayo. Teka, ayan na’ng ating butihing
angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars. Magbibigay
galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t batangbatang nars ang lalagyan ng mga
gamut. Isa-isa niyang titingnan ang temperatura ng naroong apat na pasyente.
Hindi iintindihin ang may paghanga’t pagnanasang tinging iniuukol sa
kanya – lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang
babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng kaukulang gamut sa mga
may karamdaman)
Bok (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang
da-magan si Miss Reyes! Kungmagaibig lang siya ngani sa akon, pero …
ginsama ang akon record. Yawa.
Tony Bok, si San Agustin , bago naging
santo ay naging isang pusakal munang magnanakaw … Tandaan mo’to, Bok. Higit na
marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama.
Bok Galalim man ang imonmg Tagalog!
Ernan Malay natin, baka maging santo ka
rin, Bok (Tawanan)
Bok (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka
Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala
ngbahagya at pipikit ) … santo santo gid ng mga holdaper! .. Nakakahiya, yawa.
(Tawanan na naman)
Ernan P’wera biro, napansin kong may ibig
sabihin ang tinginan ni Tony at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na …
(Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan na kayo na
kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at
ang palihim na pag-sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay
mapapansin din nina Bok at Doming.)
Bok Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga
man materyales pwerte si Miss Reyes. Inggit ako sa imo.
Doming Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban!
Darating ng dati ring tanod.)
Tanod (Sa may pintuan) Antonio Cruzada!
Tony (Itataas ang kanang kamay) Sir!
Tanod Miron kang bisita, adding.
Tony Bisita? Asan Sir? Sino hu siya? Sino
hu siya? Kilala bay n’yo sir?
Tanod Iiling at susulyapan si Mang Ernan)
Siguro sing, idad sa kanya.
Doming Kuwarentay singko.
Tony Papuna na ba rito, sir?
Tanod Wen adding. (Aalis. Lalabas sa
pintuang pinapasukan.)
Tony (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba, siya
ang una kong dalaw sa loob ng dalawang taon.
Ernan Baka … Tatay mo na ‘yun, Tony)
Doming Baka naman hisang kamaghanak.
Bok (Mapapabangon na naman) G’wapo
bang imong derpa? Paris mo Tony?
Tony (Dahil sa pag-iisip ay hindi
mauunaaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pa’no niya malalamang narito ako? ….
Anim na taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa … Imposible! Hindi. Hindi
maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot, Diyos ko!
Ernan Sino man’yon ay may kapit siya. Kung
di’y di siya makatutuloy dito … Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating! (Papasok
si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si
Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyan g anyo na siya’y dumanas
o dumarana ng maraming suliranin. Isang manhid na barong tagalog ang kanyang
suot. Sunog ang kanyang balat, gayunmay halata rinang kanyang kagandahang
lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang lilimampuin.
Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin.
Pagkunwa’y ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na
hindi kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tinginang anaki nakatanaw ng
multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang
ama sa anak.)
Luis: (Madamdamin) Tony, anak ko! …
(Walang imik na pagyayapos ang tila
natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama
sa buong katawang mutya ng anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos
ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng kirot
at tatayo siya’t uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa tiyan.
Tiin ang kanyang mga bagang, may apoy sa mata at iaalon ang kanyang
dibdib. Mapapansin si Mang Luis ang mga sugat at “black-eye” niya.)
Luis : Anak ko, napano ka?
(Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang
pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng
kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib. Samantala’y walang kibuan ang
lahat, bagaman mataman silang nagmamasid at nakikiramdam)
Luis Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka
ba natutuwang ako’y makita? … pagakaraan ng may anim na taon? (Buhat sa
kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti-unti siyang
lalapitan ng ama.)
Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!
Luis: (Matigigil!) Anak, di mo ba …
Ako ang Tatay mo…
Tony: (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala
kong ama’y anim na taon nang p-p patay !
Tony: Sayang lang ang inyong pagod!
Luis : Lalapit pa ng isang hakbang;
titigil) anak, patawarin mo ‘ko…
Tony: Inuulit ko: wala na akong,, ama! ….
(Lilingon sa gawi ng bintana) Mula nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang –
Tony: (Magpapatuloy na hindi alumana ang
sinabi ng ama) Dahil sa kerida’y sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo
na’ng aking Nanay … Pati pag-aaral ko’y natigil … Ano’ng gagawin ko? Me
sakit si Nanay … Me sakit si Baby … Nagkasangla-sangla kami … At nang
lumao’y wala nang ibig magpapautang sa ‘min … ‘Sang araw e napilitan akong
… Nang –agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit
…. nang dumating ako at - amin ay … (mababasag ang tinig) patay nang
kapatid ko! Sa tulong –
Luis: Nahihilam na sa luha) Tony,
husto na ! … U-utang na loob … A-a alam ko na’ng lahat! …
Tony: (Hndi rin papansinin ang samo ng
ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din si Baby… Naospital si
Nanay … Walang ibig kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T. B. rin ako …
Ako’y naging kanto boy, nabarkada, hanggang … Natuto ako ng iba’t ibang
paraan ng pagnanakaw … Natikman kong matulog nang walang unan …
magtago sa ilalim ng tulay …
Bok: (Mabilis na papatlang) Tsiken pid
‘yan, Tony!
Tony: (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit
me wakas ang lahat … Mula sa city jail e nalipat ako
sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n …
Nang magdisiotso ako’y heto … Magdadalawang taon na ‘ko rito …
(Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat.
Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang korderong ama.
Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong ko: Mangyayari
kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina kung kayo’y tumupad senyong tungkulin?…
Luis: H-hindi ko na – hindi ko na kayo
iiwan … K-k kelanman !
Tony: Pangako, hm … Daling sabihin, daling
sirain…
Luis Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan
kayo habambuhay …
Tony: (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong
magandang kerida?
Luis: (Lipos pagpapakumbaba)
Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang hindi ko nang hindi ko na masunod ang
kanyang kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at naglianag ang nalabuan
kong isip. Nagyo’y –
Tony: Huli na ang lahat!
Luis: Ang sakit mong magsalita, anak…alam
mo bang limang buwan kitangpinaghahanap? … At nang malaman
kong narito ka’y nilakad kong … Nangako si Senador
Bigat na mabibigyan ka ngparole.
Tony: (Dahil sa ibang iniisip ay hindi
maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay
pa o patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian!
Aru-aruuuyyy!
Luis: Buhay ang nanay mo, anak.
Nagkita na kami. Magaling na siya.
Tony: Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat
sa Diyos!
Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo
sa kamay ni Tony) Pinatawad na n’ya ako. At nagkasundo
nga kaming hanapin kita. Anak, magsamasama tayong muli!
Tony: Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig
ko pang mamatay kesa sumama sa senyo!
Luis: Mawawala ang pagtitimpi at
paghaharian ng damdaming –ama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay
Tony). Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin ni
Bok si Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang Ernan na
huwag manghimasok. Sa sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may labas ang
tanod. Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang
anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak!
Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad
and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig!
(Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang
malamanggawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga
kamao; naroong muling tangkaing lapitan Ang nagmamalaking anak;
Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing
lapitan ang nagmamalaking anak; naroong tanawin sina Mang Ernan na
parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang nangamamasid.
Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan. Pagkuwa’y walang
kibong lalabas. Titigil sa may pintuan upang linguni’t pag-ukulan ng
may pagmamahal sa titig si Tony.
Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding
si Tony sa mga ikinikilos ng kanyang ama.
Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong
bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito.
Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina
Mang Ernan, Bok at Doming.
Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang
nauupo sa gilid ng kanyang teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang
labi.)
Ernan: (Malumanay subalit madamdamin) Ang
buhay, Tony, ay batbat ng batbat ng iba’t ibang uri ng pag-subok. Ang
tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang
lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng
tagumpay.
Tony: Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar
ko’y –
Ernan Nauunawan kita, iho. (Titindig at
aakbayan si Tony. Miino ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang
sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doctor… (Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka.
Siguro’y maaampat ‘yan.
Tony: (Habang nahihiga) Walang anuman
ito Mang Ernan.
Bok: (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na
ng kumot) Hm… tsiken pid ‘yan.
Doming: Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar
ni Toni’y – hewan ko nga ba …
Bok: Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka.
Y-y-yeba! ….
Ernan: (Habang bumabalik sa kanyang
teheras; sa sarli) A, kung masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San
Francsico ng Asisi, sana’Y –
Tony: Biglang mapapabangon pagkarinig sa
tinuran ni Mang Ernan)
Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San
Francisco” … Bathala, gawin Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may galit –
Ernan: (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng
pag-ibig. Ang isang maganda pang bahagi’y ‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating
ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran … “
Tony: (Mabilis) Mang Ernan… Madali
ngang sabihing “Lumimot at magpatawad, “ ano ho? Pero, ar – ruyyy …
(Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.)
Ernan: (Makikitang sa pag-aangat ng kamay
ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony! (Kagyat na nalalapitan ang binata at
pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawang n’yung dokdok! O nars! Madali kayo! …
Bok: Hindi pa rin mababakla; hindi titinag)
Bals –wals ‘yan!
Doming: (Patikud–tikod na lalabas subalit
doon pa’y sisigaw na) Nars! … Nars!… Narrsss!… (Muling darating ang nars na
nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng
dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nangagamutan sila ay siya namang paglitaw
sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis. Walang imik silang
magmamasid.)
Nars: Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka
munang magsalita nang malakas. At huwag kang magpapagalaw ha, Tony?
Tony: Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko
senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala!
Nars: Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag
sinuway mo ‘koy … Sige ka, hm…
Tony: Okey. (Pipikit dapwat muling didilat.
Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.)
Nars: O, hayan , tapos na. Be good,
ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda siya sa pag-alis.)
Tony: Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes.
Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na iayan … matagal na. ( Hindi pa
rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na
pari.)
P. Abena Magkakilala pala kayo ni Miss
Reyes …. Mabait at masipag ang batang ‘yan. Paris mo…
Tony: Siya nga po ang babaing handa kong …
Bok: (Makahulugan ang ngiti)
tingin ko’y ayos na Silang dal’wa, Padre.
P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit
na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay mo’y … nagkita kami.
nakiusap siyang -
Tony: Malilimutan ang lahat;
mapapabagong bigla’t puputulin ang pagsasalita ng kausap) Padre! … Na
naman? (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang
mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony.
Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may
pintuan, ay mapapabuntung-hininga’t mapapakagat labi Sa namamalas na
katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit.
Si Miss Reyes naman naman na hindi pa tuluyang
nakakalayo ay magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan.
Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.)
Nars: Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y
huwag ka munang gagalaw pagkat makasasama sa yo’yo?
Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss
Reyes.
Nars: (Tatanguan si Tony)
Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige, higa na. (Susunod na sana
si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang
magkakatinginan.0
P. Abena: (Makahulugan) Anak, tamo si Miss
Reyes, nakapagpapatawad….
(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap
na katahimikan . Walang kaurap-kurap, at halos hindi humihingasina Mang Ernan
sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng
mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi.
Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan
siyang lalapit a bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena.
Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng
butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang mabigyan
ng ganap na kalayaan ang mag-ama.
Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony.
May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At
sa isang kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin,
mahaba ang kanilang pagyayakap.
Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat .
Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng
marahn. Pagdaraupin naman naman ni Padre Abena ang mga, titingala ng
bahagya at pangiting bubulong.)
Kinagisnang Balon ni Andres
Cristobal Cruz
1.
Sinasabing walang lampin sa purok ng Tibag na hindi nilabhan sa tubig na
sinasalok sa malalim, malaki't matandang balon.
2.
Sinasabing walang nagluto ng pagkain at naghugas ng kinanan sa Tibag na hindi
gumamit ng tubig sa balong iyon.
3.
Sinasabing walang naligo sa Tibag na hindi nagbuhos ng malinis at malamig na
tubig na siyang biyaya ng matatandang balong tisa.
4.
Anupa't masasabing walang isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi uminom
o binindisyunan ng tubig na galing sa kanilang balon.
5.
Kung iisipin, masasabi rin na ang buhay at kamatayan ng mga taga-Tibag ay nasa
balong iyon.
6.
Mahalaga nga ang gayon, ngunit ang bagay na ito'y hindi nila pinag-uukulang
masyado ng pansin. Sa kanila, ang balon ay bahagi ng kanilang buhay at
kapaligiran, bahagi na ng kanilang mga kinagisnang alamat at mga paniniwala't
pamahiing imumulat nila sa kanilang mga anak, at imumulat naman na mga ito sa
susunod nilang salinlahi.
7.
Walang nakatitiyak kung kailan hinukay ang balong iyon.
8.
"Noon pang panahon ng Kastila," anang matatanda.
9.
"Hindi pa kayo tao, nandiyan na 'yan," giit naman ng iba.
10.
At parang pagpapatunay, patitingnan ang mga tisang ginamit sa balon. Kauri raw
at sintigas ng mga ginamit sa pader ng Intramuros o kaya'y sa mga
pinakamatatandang simbahang katoliko sa Pilipinas.
11.
Ipaglalaban naman ng iba na ang balon ay hinukay, o sa lalong wastong salita ay
ipinahukay ng mga maykapangyarihan noong panahon ng mga Amerikano.Katunayan
daw, maraming bayan sa Pilipinas, lalo na sa Luzon, ang may mga balong katulad
ng nasa Tibag. Kaya naman daw matatagpuan ang mga ganitong balon sa labas ng
mga matatandang bayan ay upang madaling masugpo ang kolerang ilang beses nang
kumalat sa buong kapuluan at umutas ng libu-libong pagkukunan ng tubig ay nasa
labas ng bayan, porlomenos, madali ang pagsugpo sa kakalat na makamandag na
kolera.
12.
May kalabuan man, kung sa bagay, ang ganoong pala-palagay, wala namang magagawa
ang mausisa. Basta't iyon daw ang paniwalaan, tapos ang kuwento!
13.
Ganoon din ang ibubulyaw ng mga matatandang pikon kung kokontrahin mo sila sa
kanilang pananakot. Kung gabi raw na madilim, lalo na kung patay ang buwan, may
malignong lumilitaw sa may balon.
14.
Magtago ka raw at sumilip sa likod ng mga punong kakawate, kung minamalas ka,
makikita mo na lamang at sukat ang isang pagkaganda-gandang babae sa may balon.
May inaaninaw daw itong mukha ng kung sinong katipang nalunod o maaaring
nilunod sa balon noong panahon pa ng mga Kastila. Minsan naman daw, mga kung
anu-anong hayop ang nagsisilabasan sa may balon at nag-uungulan.
15.
At ano bang mali-maligno! Naisipan daw ng ilang kabinataan ang magpahatinggabi
sa likod ng mga punong kakawate. At ano ang natuklasan nila? Ang nananakot ang
siyang natakot. At nang magkabistuhan na, humangos daw itong may kinakapkap na
kung ano at hinabol ng mga nakatuklas. Hindi matapus-tapos ang sisihan nang
makasal nang di oras ang dalawang "maligno" na walang iba kung di ang
tanging biyudo't pinakamatandang dalaga sa Tibag.
16.
Isa na iyon sa masasayang pangyayari sa balon ng Tibag. Sa may balon
naglalaba't naliligo ang mga dalaga't kababaihan. Kung naroon na ang mga
dalaga, panay naman daw ang hugas ng paa ng mga binata. Naroon na ang nakawan
ng tingin, mga patalinghagang salitang sinusuklian ng saboy ng tubig o mga
hindi natutuloy na pagbabantang magsumbong. Ang ingay ng mga batang
nagsisipaligo, ng mga balding pumapalo sa gilid ng balon, mga pigil na hagikgik
ng mga babae, harutan ng mga dalaga.
17.
Marami ang makapagsasabi sa Tibag, ang buhay-buhay, tulad ng matandang balon,
ay siya na nilang kinagisnan, kinamulatan pa rin ng kanilang mga anak at mamanahin
pa rin ng mga anak naman nito.
18.
Isa na sa mga makapagsasabi si Tandang Owenyong Aguwador. Siya lamang ang
aguwador sa Tibag. Ang ibang sumasalok, may pingga at balde, ay para gamit
lamang sa bahay. Gamit din sa bahay ang sinasalok ng mga dalagang nagsusunong
ng banga ng inumin, balde o golgoreta.
19.
Hanapbuhay ni Tandang Owenyong Aguwador ang pag-iigib ng tubig. Iniigiban niya
ang ilang malalaking bahay sa Tibag at pinupuno din niya ang mga tapayan o dram
ng mga talagang nagpapaigib sa mula't mula pa. Ito ang mga pamilyang kung
nagpipista ay siyang pinakamaraming handa't bisita, mga nagiging hermano o
punong-abala sa mga komite de festejos. Ito rin ang ipinag-iigib ng ninuno ni
Tandang Owenyo.
20. Maglilimampung taong gulang na si Tandang
Owenyo. Maiksi ang gupit ng kanyang kulay abong buhok. Pangkaraniwan ang taas,
siya'y laging nakakamisetang mahaba ang manggas at kapit sa katawan. Matipuno
at siksik daw ang katawan nito noong araw.
21.
"Ba't naman di magkakaganoon e sa banat ang kanyang buto sa pagsalok n'on
pa man," sabi ng iba.
22.
"Di ba't 'yan 'kamo," dagdag ng ilan, "aguwador din?"
23.
"Di ba't ang Ba Meroy ay aguwador din?"
24.
"Aba, siyanga, ano?"
25. Ang pangalan ng ama ni Tandang Owenyo ay
Ba Meroy. Namatay ito noong panahon ng Hapon. 26. "Pero 'ala pang
giyera," pilit ng iba, "umiigib na ang Tandang Owenyo."
27.
Minana na niya ang opisyong iyan."
28.
"E, si Nana Pisyang Hilot? Di ba't sa balon sila…"
29.
"A, oo! Doon niligawan ng Tandang Owenyo si Nana Pisyang. Ipagtanong
mo."
30.
"Labandera na noon si Nana Pisyang?"
31.
"Labandera na. Ang ipinag-iigib ng Tandang Owenyo ang siyang ipinaglalaba
naman ng Nana Pisyang. Kaya nga maganda ang kanilang istorya, e."
32.
"Ang Da Felisang Hilot?"
33.
"Aba, e labandera rin 'yon. Tinuruan naman niyang manghilot ang kanyang
anak. '"Yan nga si Nana Pisyang." 34. "Tingnan mo nga naman ang
buhay."
35.
"Sa Amerika ba, merong ganyan?"
36.
"Pilipinas naman 'to, e! Siyempre dito sa 'tin, pasalin-salin ang
hanapbuhay."
37.
"Mana-mana ang lahat."
38.
"Si Ba Meroy aguwador, puwes, si Tandang Owenyong anak ay aguwador
din."
39.
"At si Nana Pisyang ng Da Felisa, labandera."
40.
"Pero si Nana Pisyang humihilot din."
41.
"Ow, ano ba naman 'yon? Di naman araw-araw e me nanganganak. Saka, bigyan
mo na lang ng pangkape ang Nana Pisyang, tama na."
42.
"Me pamamanahan na sila ng kanilang mga ikinabubuhay."
43.
"Di nga ba't katu-katulong na ng Nana Pisyang sa paglalaba't paghahatid ng
damit ang dalagita niyang si Enyang? Meron na siyang magsisiksgreyd."
44.
"At si Narsing nila?"
45.
A, si Narciso ba? Sayang. Tapos ng hayskul, hindi na nakapagpatuloy."
46.
"Ow tama na 'yon. Tapos ka't hindi, pareho rin."
47. "Si Narsing ang me ulo. Laging me
dalang libro e!"
48.
"Sa library nga raw sa kabayanan nagbabasa't humihiram ng libro."
49.
"Minsa'y nakita kong may kipkip na libro. Tinanong ko kung ano."
50.
"E. ano raw?"
51.
"Florante at Laura daw."
52. "Tingnan mo nga 'yan. Sayang na bata.
May ulo pa naman."
53.
"Balita ko'y ayaw mag-aguwador."
54.
"Nahihiya siguro. Biruin mo nga namang nakatuntong na halos sa kolehiyo at
sa paaaguwador mapupunta. Ba't nga naman iyong iba. Karabaw inglis alam e mga
tente bonete na."
55.
"Kayo, pala, oo! Para naman kayong bago nang bago sa Pilipinas. Pa'no me
malalakas na kapit 'yon!"
56.
"Di aguwador din ang bagsak ni Narsing!"
57.
NAGHIHIMAGSIK si Narsing. Ayaw niyang pumasan ng pingga. Totoo nga na umiigib
siya. Ngunit iyon ay para gamit lamang nila sa bahay. At gusto pa niyang
bitbitin ang dalawang balde kaysa gumamit ng pingga.
58.
Sabi ng mga matatandang babaing naglalaba sa may balon, kung magpingga lamang
si Narsing mapagkakamalan daw itong si Tandang Owenyo noong bagong tao pa ito.
Iyon din ang palagay ng mga nagkakahig ng sasabungin,ng mga naghuhuntahan sa
harap ng tindahang sari-sari sa tapat ng lumang kapilya.
59.
Kung naririnig ni Narsing ang gayong sabi-sabi lalo lamang sumisidhi ang
kanyang paghihimagsik. At ito'y may kasamang malalim na hinanakit.
60.
Nagsasampay ang kanyang ina nang siya'y magpaalam isang umaga. Ang apat na
alambreng sampayan ay lundung-lundo sa bigat ng malalaking sinampay. Hindi na
nakita ni Narsing na ang sampayan ay nawalan ng laman, na ang damuhan sa may
gilid ng bakod na siit ay walang latag na kinula. Sa kabilang gilid ng bakuran
hanggang sa duluhang papunta sa bukid ay gumagapang ang kamoteng putpot, na ang
talbos ay naagad. May kapirasong balag na ginagapangan naman ng upo.
61.
Binigyan si Narsing ng kanyang inang Nana Pisyang ng konting babaunin. Ito'y
naipon sa paglalaba't sa pinagbilhan ng ilang upo at talagang inilalaan para sa
susunod na pasukan ng mga bata.
62.
Nakituloy si Narsing sa isang tiyuhin sa Tondo, sa Velasquez. Sa area,
naglalakad siya't naghahanap ng mapapasukan… Kahit na ano, huwag lamang
pag-aaguwador. Nakaranas siya ng gutom, ngunit nagtiis siya. Kung anu-anong
kumpanya't pagawaan ang kanyang sinubukan. Pulos naman NO VACANCY at WALANG
BAKANTE, ang nakasabit sa mga tarangkahan at pintuan ng mga pinupuntahan niya.
63.
Hindi lamang pala siya ang nabibigo. May nakakasabay pa siyang madalas na mga
tapos ng edukasyon at komers. Ang mga ito'y me dala pang sulat na galing sa
ganoo't ganitong senador o kongresman. Natatawang ibig maluha ni Narsing.
Binabale-wala na pala ng mga ito kahit na pirma ng mga pulitiko. Maski siguro
si Haring Pilato ang nakapirma, talagang walang maibibigay na trabaho ang
balanang puntahan ni Narsing.
64.
Napadaan si Narsing sa isang malaking gulayan ng Intsik. Subukin na nga ''to,
sabi niya sa sarili habang pumapasok siya sa isang ektarya yatang gulayan na
binakuran ng mga alambreng matinik. Kinausap niya ang Intsik na nakita niyang
nagpapasan ng dalawang lalagyan ng tubig na tabla. Taga-alis ng uod, magpala o
magpiko sabi ni Narsing sa Intsik.
65. "Hene puwede," sagot ng Intsik,
"hang lan akyen tlamaho. Nahat-nahat 'yan akyen lang tanim, dilig."
66.
"O, paano, talagang wala?" sabi ni Narsing at napansin niyang tumigas
ang kanyang boses. Para siyang galit.
67.
"Ikaw gusto pala ngayon lang alaw, ha," sagot ng Intsik.
Nangingiti-ngiti. "Akyen gusto lang tulong sa 'yo.
68.
"O sige, ano?"
69.
"Ikaw, kuha tubig, salok sa balon, dilig konti. Ikaw na gusto?"
70.
Ibinigay ng Intsik ang kanyang pinipinggang pinakaregadera.
71.
Kinabukasan ng hapon nagpaalam si Narsing sa kanyang tiyahing nasa Velasquez.
Sumakay na siya ng trak pauwi sa kanilang bayan sa lalawigan, sa
Tibag.Pangkaraniwan na sa Tibag ang nabibigo sa paghahanap ng trabahong bago at
hindi minana. Habang daan ay inisip-isip niya kung paano niya maiiwasan ang
kanyang mamanahing hanapbuhay na halos pantawid-gutom lamang, ang isang
kalagayang pagtitiis mula sa umpisa hanggang sa katapusan, walang kamuwangan,
hirap, at laging nakasalag, kung hindi sa kabutihang loob ng ilan, sa
pagsasamantala naman ng marami.
72. Mabuti pa, sabi ni Narsing sa sarili, hindi
na 'ko nakapag-aral. Parang nabuksan ang kanyang isip at guniguni sa sanlibu't
sanlaksang kababalaghan ng kalikasan at sa maraming paghahamon ng buhay na di
niya maubos-maisip kung paano mapananagumpayan.
73.
Magtatakip-silim na nang dumating siya sa Tibag. Dinumog siya ng mga paslit na
nagtatanong kung mayroon siyang dalang pasalubong. Wala, wala siyang dala.
74.
Ang sumunod sa kanyang si Enyang ay tahimik na nag-ahin ng hapunan sa lumang
dulang. Habang sila'y kumakain, naramdaman ni Narsing na naghihintay ang
kanyang ama't ina ng kanya pang isasalaysay tungkol sa kanyang paghahanap ng
trabaho sa Maynila. Ano naman ang maibabalita niyang hindi pa nila nalalaman
tungkol sa kahirapan ng paghahanap ng trabaho?
75.
Inalok siya nang inalok at pinakakaing mabuti ng kanyang ina. Animo'y
nagkandagutom siya sa Maynila. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang amang nasa
kabisera ng dulang. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa kanyang nasasaksihan.
Nag-aagawan ang mga paslit sa ulam. Tipid na tipid ang subo ng kanyang ama't
ina. Marami pa silang inom ng tubig kaysa sa subo ng kanin. Ang ulam nila'y
kamatis at bagoong na may talbos na naman ng kamote, isang mangkok na burong
mustasa at ilang piniritong bangus. Maya't maya ay sinasaway ng kanyang ina ang
mga batang parang aso't pusa sa pag-uunahan sa pagkain. Sa buong Tibag, sila
lamang marahil ang hindi halos nagkaroon ng mumo sa dulang. Noong araw, hindi
sila ganoon. Ngayon, kung magsabaw sila sa sinigang o minsan sang buwan
nilagang karne, halos sambalde ang ibubuhos na tubig para dumami ang sabaw.
Habang lumalaki't dumarami ang subo ng mga bata, dadalang naman nang dadalang
at liliit ang subo ng kanyang ama't ina. Siya man ay napapagaya na sa kanila.
76.
Ang ganoong tagpo ay kanyang pinaghihimagsikan. Katulad din iyon ng kanyang
paghihimagsik kung nasasaksihan niya ang kanyang mga kapatid na palihim na
waring nagsusukat ng mga damit na mahuhusay na ipinaglalaba't ipinamamalantsa
ng kanilang ina. Katulad din iyon ng kanyang paghihimagsk na matapos na sa
pagiigib ng kanyang ama at napapansin niyang dumarami ang kulubot sa ulo kung
nakikita itong pasan-pasan ang pingga't dalawang balde na animo'y isang Kristo
sa pagkakayuko na ang paghihirap ay wala nang katapusan.
77.
Noong gabing iyon. nagkasagutan sila ng kanyang ama. Nakaupo si Narsing sa
unang baytang sa itaas ng kanilang mababang hagdan. Nakatingin siya sa duluhan
ng bakuran. Iniisip niyang harapin pansamantala ang pagtatanim ng gulay.
Nalingunan na lamang niyang nakatayo ang kanyang ama sa may likuran niya.
78.
"Gayon din lamang," mungkahi ng kanyang ama sa malumanay na boses, at
ibig mong maghanapbuhay, subukin mong umigib."
79.
May idurugtong pa sana ang kanyang ama, ngunit hindi na nakapigil si Narsing.
Malakas at pasinghal ang kanyang sagot.
80.
"Ano ba naman kayo! Aguwador na kayo, gusto n'yo pati ako maging
aguwador!"
81.
Napatigagal ang kanyang ama. Ang kanyang ina'y napatakbo at tanong nang tanong
kung bakit at ano ang nangyari.
82.
Minumura siya ng kanyang ama. "Bakit?" wika nitong pinaghaharian ng
pagdaramdam at kumakatal ang tinig. "Ano ang masama sa pag-aaguwador?
Diyan ko kayo binuhay!"
83.
Nakatayo na sana si Narsing, ngunit sinundan siya ng kanyang ama't buong lakas
na hinaltak at inundayan ng sampal. Parang natuklap ang mukha ni Narsing,
Itinaas niya ang isa niyang kamay upang sanggahin ang isa pang sampal. Nakita
niyang nagliliyab ang mga mata ng kanyang ama.
84.
Sumigaw ang kanyang ina. may kasama itong iyak. Yakap siyang mahigpit ng
kanyang ina. Huwag daw siyang lumapastangan. Pati ang mga bata'y umiiyak at
humahagulgol na parang maliit na hayop.
85.
Lumayo ang kanyang ama't iniunat ang katawan sa isang tabi ng dingding na
pawid. Dinig na dinig pa rin ang kanyang sinasabi.
86.
Nag-aral ka pa naman, sayang. Oy, kung me gusto kang gawin, sige. Di kita
pinipigil. Darating din ang araw na mararanasan mo rin… mararanasan mo
rin." 87. Kung anu-anong balita ang kumalat sa Tibag. Kung umiigib si
Narsing ng tubig para sa kanilang bahay hindi siya pinapansn ni binabati tulad
ng dati. Ganoon din ang kanyang ama. Waring nahihiyang magtanung-tanong ang mga
tao, ngunit hindi nahihiyang sa kani-kanilang sarili'y magpalitan sila ng
tsismis at mali-maling palagay.
88.
ISANG linggo pagkatapos ng pagkakasagutan nilang mag-ama, ang Tandang Owenyong
ay nadisgrasya sa balon. Nadupilas ito at mabuti na lamang daw at sa labas ng
balon nahulog. Kung hindi raw, patay. Ang dibdib ng matanda ay pumalo sa mga
nakatayong balde at ito'y napilayan. Nabalingat naman ang isang siko niya. Sabi
ng marami ay nahilo ang matanda. Ang iba'y nawala sa isip niya ang ginagawa.
89.
Nilagnat pa si Tandang Owenyo. Ipinatawag na ang pinakamahusay na manghihilot
na tagaibayo. Nakikiigib ang mga iniigiban ni Tandang Owenyo sa iba. Kailan daw
ba iigib uli ang matanda. Walang malay gawin ang ina ni Narsing. Ang kanilang
dati nang malaking utang sa tindahan ni Da Utay ay lalong lumaki sa
pagkakasakit ng matandang aguwador.
90.
Isang hapong umiigib si Narsing ng gamit sa bahay ay may naglakas-loob na
nagtanong kung magaling na ang kanyang ama. Bakit daw hindi pa siya ang
sumalok. Sayang daw kung ang kinikita ng ama niya'y sa iba mapupunta.
91.
Hindi nanlilibak o sumasaring ang pagkakasabi noon. Iyon, sa palagay na ni
Narsing, ay patotoo sa paniwalang siya ang talagang magmamana sa gawaing iyon
ng kanyang ama.
92.
KINABUKASAN, hindi nangyari ang inaasahang mangyari ni Narsing. Hindi siya
tinukso ni pinagtawanan at kinantiyawan. Nalapnos ang kanyang balikat at
magdamag na nanakit ang kanyang mga buto sa pag-aakyat-panaog sa mga hagdang
matatarik, sa pagsalin at pagbuhat ng tubig. Siya na ang umiigib.
93.
Pabiling-biling si Narsing sa kanyang hinihigang sahig. Nakikita niya ang
malalayong bituin. Narinig niya ang mga mumunting hayop at ang alit-it ng mga
kawayang itulak-hilahin ng hangin. Sa malayo'y may asong kumakahol na parang
nakakita ng aswang o ano. Hindi siya nakatulog. Marami siyang iniisip. Naalaala
niya noong siya'y nasa hayskul. Bago siya maidlip, sa guniguni niya ay nakita
niyaang kanyang sariling kamukha ng kanyang amang animo'y isang Kristong
pasanpasan ang pingga't dalawang balding mabibigat. Naisipan din niyang taniman
nang taniman ang bakuran nilang ngayo'y hindi na kanila't inuupahan na lamang.
94.
Maaga pa'y bumaba na ng bahay si Narsing. At siya'y muling umigib. Mahapdi ang
kanyang balikat. Humihingal siya't parang hindi na niya kayang ituwid ang
kanyang mga tuhod.
95.
Noong hapon, naghihintay si Narsing ng kanyang turno sa balon. Nagbibiruan ang
mga dalaga't kabinataan sa paligid ng balon. May tumatawang nagsasabing
binyagan ang kanilang bagong aguwador.
96.
"Binyagan si Narsing!" sigaw ng mga nasa paligid ng balon, at may
nangahas na magsaboy ng tubig.
Banyaga
Mukhang artista! Artista nga ba? Artista?
Mula nang dumating si Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit isang taon; kung Araw ng mga Patay at kung Pasko. O, napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling ito na wala nang kumikibo at tumitingin sa kanya ay iyon din ang katunayang (wala nang kumikibo) wari ay nababasa niya sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.
At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok. Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya.
- Serbesa ba ‘kamo bata ka, ha?
Ngumiti siya, kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito, idinugtong niya ang paliwanag, hindi naman masama ang amoy, Nana.
Ngayon sa kanyang pagtindig ay hindi maikaila sa kanya ang pagtugon ng tingin nito sa kanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan nito na may gilit upang makahakbang siya.
- Ibang-iba na ngayon ang…lahat!… at naulinigan niya ang buntung-hininga na kumawala sa dibdib ng matanda niyang lola.
Napangiti siya. Alam niyang iyon din ang sasabihin ng kanyang ama na sa pagkakaalam niya ay hindi naging maligoy minsan man sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang Ate Sedes. At ng kanyang Insong Edong, ang balo ng kanyang Kuya Mente. At ang kanyang apat na pamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang nakatoreador ng itim at kamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula sa ulong may taling bandana, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mga kukong mapula sa paa, na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso.
- Sino kaya’ng magmamana sa pamangkin mo… matalino.
- Sinabi ko naman sa Inso…Ibigay na sa akin…papag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisa naman ako. Ang hirap sa kanila…ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni Inang…noon… kung natakot ako sa iyakan…Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.
- E..oo nga… Walang anu-ano’y ayon ni Nana Ibang - Tigas nga namang iyakan nang lumuwas ka…
- Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba ‘ko sa timpalak na ‘yon kung hindi ako nakakasigurong kaya ko ang eksamen?
Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumamping panyolito sa kanyang batok. - Pinagpapawisan ka na, a. Ano bang oras ang sabi ni Duardo na susunduin ka?
Alas tres daw. Hanggang ngayon ba’y ganoon dito? At napangiti siya. Alas tres o alas singko. Alas kwatro na, ah! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika…
- Naiinip ka na ba? agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinasabi.
- Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ang salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik ngayon sa Maynila.
- Ano? K-kahit gabi?
Napatawa si Fely. –Kung sa Amerika… nakapunta ako at nakabalik nang mag-isa, sa Maynila pa? Ilang taon ba ‘kong wala sa Pilipinas? Ang totoo…
Biglang nauntol ang kanyang sasabihin nang marinig niya ang mahinang tatat ni Nana Ibang. At nang tumingin siya rito ay nakita niya ang kulimlim na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina. Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang pamangkin. Ibinukod siya ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na kumot na ginawang mantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangkin na sa pangalan at larawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.
- Ayan naman ang kubyertos…pilak ‘yan… -hiyang-hiya na sabi ng kanyang hipag. –Yan ang uwi mo…noon…hindi nga namin ginagamit…
Napatawa siya. – Kinukutsara ba naman ang alimasag?
Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbagong-loob, di sana’y nalitson ang biik sa silong. Kasi…sabi…hindi ka raw darating…
Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niyang ngayon lamang gagawin ang gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niya matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagsipagtapos sa kanilang paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan. Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.
Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isang tumigil na sasakyan sa harap ng bahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali ng paaralan.
Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong.
- Sa kotse na, ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya sinabi: Baka ako masilat… Baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan.
Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming mukhang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaking nang mapagsino niya ay bahagya siyang napatigil. Napakunot ang noo niya.
- Ako nga si Duardo!
Pinigil niya ang buntunghiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas na hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo.
- Bakit hindi ka rito? tanong niya? Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. May presidente ba ng samahan na ganyan?
A…e…-Hindi kinakailangang makita niyang nakaharap si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita nito ang panginginig ng labi. A… Alangan na ‘ata…
Tumigas ang mukha ni Fely. Nagtiim ang kanyang kalooban. Si Duardo ang tanging lalaking naging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagsisipagtapos.
- Natutuwa kami at nagpaunlak ka… Walang anu-ano’y sabi ni Duardo. Dalawampu’t dalawang taon na…
- Huwag mo nang sabihin ang taon!- nagtatawang sabi ni Fely. Tumatanda ako…
- Hindi ka nagbabago, sabi ni Duardo. Parang mas…mas…bata ka ngayon. Sayang… hindi ka makikita ni Monang…
- Monang? napaangat ang likod ni Fely.
- Kaklase natin… sa apat na grado. paliwanag ni Duardo. Kami ang… at napahagikhik ito. –Kamakalawa lang niya isinilang ang aming pang-anim…
- “Congratulations!” pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.
- Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon. Patuloy ni Duardo nang hindi siya kumibo. Ibang-iba kaysa…noon.
- Piho nga, patianod niya. Hindi naman kasi ‘ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa ‘kong nagmamadali…
Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita ang mga matang nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang salaming may kulay. Tila hindi na niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa kanya.
At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtumining ang kahungkagang nadarama niya kangina pa. At may sumungaw na luha sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na siya makikilala pa ng pook na binalikan niya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento